^

Punto Mo

Sugar Mommy (334)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAGPATULOY pa ni Jane ang pagkukuwento sa mga nangyari sa kanyang asawang addict makaraan itong mapatay ng mga pulis sa isang drug operation sa Laguna.

Tinanong umano siya ng mga pulis kung sasama nang oras ding iyon sa morgue na kinaroroonan   ng bangkay ng asawa.

“Sumama ka po sa amin Mrs. Monteviejo para ma-identify n’yo kung asawa mo nga po ang napatay na drug suspect. Meron po kasing case na may nagki-claim sa bangkay kahit hindi sila ang kamag-anak ng namatay.’’

Hindi agad nakasagot si Jane. Kailangan pa ba niyang makita ang bangkay ng asawa na matagal na nagpahirap sa kanya. Kailangan pa ba niyang puntahan ito?

Pero nagpasya si Jane  ng oras ding iyon.

“Opo Sir. Sasama ako sa inyo. Hintayin n’yo lang po ako at tatawagan ko ang brother ko,” sabi ni Jane sa dalawang pulis.

“Sige po Mrs. Monteviejo. Maghihintay po kami sa labas.’’

Agad na tinawagan ni Jane ang kanyang kapatid na lalaki at sinabi ang nangyari. Humingi rin siya ng advise sa kapatid na panganay. Galit din ang mga kapatid niya sa kanyang asawa. Alam ng mga ito ang ginagawang pambubugbog sa kanya ng asawa.

“Dapat ko pa bang tingnan ang bangkay ng asawa ko Kuya.’’

“Kung ako, hindi na. Ha-yaan mo na siya. Walang kuwenta ang asawa mo. Maraming taon ka niyang sinaktan. Hindi mo na siya dapat puntahan pa, Jane. Mabuti nga at patay na siya!’’

Ibinaba ni Jane ang phone.

Malalim siyang nag-isip.

Hanggang ipasya niya na puntahan ang bangkay. Susuwayin niya ang kapatid.

Sa morgue, nakita niya ang asawa at positibo niyang kinilala. Ito nga at wala nang iba.

“Siya nga po ang asawa ko, Sir,” sabi niya sa mga pulis.

“Talaga po bang guma­gamit siya at nagtutulak ng shabu?’’

‘‘Opo.’’

“Sa bahay n’yo po ba siya gumagamit ng shabu?’’

‘‘Oo. Pero mas madalas na gumagamit siya kapag kasama ang barkada niya. Bihira siyang umuwi ng bahay at kapag umuuwi, binubugbog ako.’’

Hindi nakasagot ang pulis. Maya-maya, nagpaalam na ang mga ito.

“Maraming salamat Mrs. Monteviejo. Ikaw na po ang bahala sa bangkay ng iyong asawa.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with