^

Punto Mo

May P5 milyon na si Domagoso sa vendors?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGPUNTA sa Divisoria si kosang Mayen Jaymalin two weeks ago para bumili ng kurtina at labis ang galak niya sa nakitang pagbabago nito sa ilalim ng liderato ni idol Mayor Francisco Domagoso. Malinis ang kalye at may mga vendors subalit sa gilid lang sila at sobrang maayos ang kapaligiran nito. At higit sa lahat, dumadaloy ang trapiko dahil may tumatakbong taksi sa kalye. May katwirang pumuri si kosang Mayen sa kalinisan ng Divisoria kasi sa sobrang haba ng panahon, ngayon lang niya nasaksihan ang pagbabago na ito. Araguuyyy! Si kosang Mayen kasi mga kosa, ay lumaki sa Peñarubia St., sa Binondo at nag-aral sa Rajah Soliman High School kung saan nakatayo nga ngayon ang 168 mall. Kaya alam niya ang kapaligiran ng Divisoria. Hehehe! Hindi ko sinasabi na nagbulakbol siya sa Divisoria ha mga kosa at lagot ako pag nagkataon. Kaya namangha talaga si kosang Mayen at magandang anak na si Claren dahil matiwasay silang naglakad sa kalye, ‘di tulad ng dati na ‘di mahulugan ng karayom ito. Kung noon, takot ang mga mamimili na maglakad sa kahabaan ng Divisoria at baka mabiktima sila ng magnanakaw, subalit sa ngayon ay hindi na. Kaya sa limang oras na pamamalagi nina kosang Mayen at anak na si Claren sa Divisoria, solb na solb sila at na-encourage pa silang bumalik sa Divisoria ngayong malapit na ang Pasko para bumili ng mga regalo. Hak hak hak! Hindi pro-Isko si kosang Mayen kaya lang nais niyang bigyan ng puri si idol dahil sa “political will” niya na baguhin ang Maynila.

Subalit pinayagan na ni Domagoso na bumalik ang vendors sa Divisoria nitong nagdaang linggo kaya masasabi kong mukhang malagihay na ang political will niya, di ba kosang Leny Mauricio Sir? Sinabi ni Domagoso na maari nang maglatag ng kanilang paninda ang mga vendors sa Carmen Planas, Tabora at Ilaya Sts., malapit sa Moriones. Subalit nagbanta si Domagoso na dapat bangketa lang puwedeng latagan ng vendors at puwede pang dumaan ang mga behikulo sa kalye kung hindi, magiging malungkot ang Christmas nila. Sa pagbabalik ng vendors sa kalye, tiyak mabubuhay ang ipinagyabang ni Domagoso na kapag bumalik ang mga ito sa Divisoria, ibig sabihin, tumatanggap na siya ng P5 milyon kada linggo, di ba kosang Leny? Araguuyyy! Hak hak hak! Hindi pa nagsasalita si kosang Rambo Labay d’yan ha? Gumagana pa ang intel.

Kung ako naman ang tatanungin, pusong mamon din pala si Domagoso dahil namayani ang pagka-kapwa tao niya imbes na ang katigasan ng ulo. ‘Wag na niyang pansinin ang mga puna dahil kasama sa trabaho ‘yan. Ang mahalaga, nakatulong siyang magkaroon ng pagkain sa lamesa ang vendors ngayong Pasko. Ang bantayan lang ni Domagoso ay ang driver niya na si alyas Jonathan, bodyguard na si Sgt. Gerry Tubera, si ex-chairman Darwin Ibay at Sgt. Raffy Padua at tiyak busog ang mga bulsa nila sa paglatag na muli ng vendors. Ano sa tingin mo SMART chief Maj. Rosalino Ibay Jr. Sir? Abangan!

vuukle comment

DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with