^

Punto Mo

Eroplano, naglanding sa ilog sa Pennsylvania

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG eroplano na papalapag sana sa Pennsylvania airport ang nag-landing sa kalapit na Susquehanna River doon.

Ayon sa executive director ng Susquehanna Regional Airport Authority na si Tim Edwards, bagamat nasa maayos na kalagayan, kinailangan pa ring dalhin sa ospital ang piloto at ang nag-iisang  pasahero ng single-engine na eroplano para sa galos at pasa na kanilang tinamo.

Ayon kay Edwards, nangyari ang kakaibang pag-landing nito lamang nakaraang Biyernes. Bigla na lang daw namatayan ng makina ang eroplano kaya kinailangan nitong mag-landing sa ilog kahit malapit na sa airport.

Dahil nalubog sa tubig, sa may pakpak na nakalabas ang dalawang sakay ng eroplano.

Nanatili namang palutang-lutang sa tubig ang eroplano ilang oras mula nang mag-landing sa ilog.

vuukle comment

PENNSYLVANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with