Dalaga na may malubhang sakit himalang gumaling! (Part 1)
IPINANGANAK si Pascal Jammal noong 1971 sa Hadath, Beirut, Lebanon. Noong siya ay anim na taong gulang, nag-migrate ang kanyang pamilya sa Houston, Texas, U.S.A.
Maayos naman ang kalusugan ni Pascal. Malusog at maganda habang lumalaki.
Subalit noong 26-anyos na ang dalaga, isang malubhang sakit ang dumapo sa kanya na maski ang mga doktor ay hindi kayang maipaliwanag.
Dahil sa kalubhaan ng sakit ni Pascal, nanatili siyang bedridden. Hindi siya makabangon dahil sa sobrang panghihina. Halos hindi na rin siya makakain.
Sabi ng mga doktor, imposible nang makarekober ang dalaga.
Noong Abril 17, 2024, isinugod siya sa Lahey Hospital sa Burlington, Massachusets. Makaraan ay inilipat siya sa Intensive Care Unit (ICU) dahil na-comatose siya. Ayon sa mga doktor, nasa kritikal na kalagayan si Pascal.
Habang walang malay ang dalaga, ang kanyang mga magulang ay nasa kanyang tabi at nagdarasal para sa kanyang kaligtasan.
Lumipas ang isang buwan at nanatiling walang pagbabago sa kalagayan ni Pascal. Nanatili siyang walang malay.
Sabi ng mga doktor, wala nang magagawa pa sa kalagayan ni Pascal.
Napagpasyahan ng mga doktor at kaanak na alisin na ang life-support tubes ng dalaga. Nang matanggal ang aparato, inihanda na ang paglilipat kay Pascal sa morgue.
(Itutuloy)
- Latest




















