^

Punto Mo

Modus ng ilang taxi driver sa airport, tuldukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa rin yata nawawalis sa paligid ng NAIA ang mga dorobong taxi driver na kung anu-anong modus ang isinasagawa at bumibiktima partikular  na sa mga dayuhan.

Ito ang mga panira sa imahe ng Pinas na dapat lang maaksiyunan.

Katunayan nito, isang driver ng white taxi  na nadakip kamakalawa matapos nga na ireklamo ng 3 Chinese na siningil nito nang sobra-sobra matapos na sumakay sa kanya.

Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang driver na ito na may hawak pa umanong kopya ng fare meter na ipinapakita sa mga dayuhang pasahero na niloloko?

Per tao at hindi sa metro ang singil nito, naku talagang ang kapal ng mukha. 

Mula terminal 3 papuntang terminal 1, biruin mong 6,000 ang sinisingil nito sa tatlong pasaherong Instik.

Malamang na hindi ito nag- iisa sa ganitong modus.

Posibleng may mga kasabwat pa ito na kapwa niya driver. Dapat na matunton na rin  ng mga awtoridad  nang hindi na makapambiktima pa.

Hindi lang sa loob ng airport dapat na mabigyan ng proteksyon ang mga pasahero maging sa labas at sa paligid nito. Dapat na mabantayan din sila sa mga mapagsamanta-lang taxi driver at iba pang kauri  nito.

Maging sa mga kawatan na umaali- aligid sa paligid ng mga paliparan  na ang tinatarget ay mga balikbayan nating kababayan at mga turistang dayuhan.

Kalusin na dapat ang mga ito.

vuukle comment

MODUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with