^

Punto Mo

EDITORYAL - Ba’t kailangang patayin ang mga magsasaka?

Pang-masa
EDITORYAL - Ba�t kailangang patayin ang mga magsasaka?

KAHAMBAL-HAMBAL ang pagpatay sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental noong nakaraang linggo. Bakit kailangan silang patayin? Ang pangyayari ay nagbabalik sa alaala ang Escalante massacre sa Negros Occidental noong 1985 kung saan, mga magsasaka rin ang biktima. Pinagbabaril ng mga sundalo ang mga magsasakang nagpoprotesta. Hiling ng mga magsasaka sa Escalante na mapabuti ang kanilang kalagayan. Dalawampu ang namatay sa massacre at hanggang ngayon, ang hustisya sa mga namatay ay hindi pa nakakamtan. Nabaon na sa limot ang pangyayaring iyon

Ngayon, naulit na naman ang pangyayari. Mga magsasaka rin ang biktima sa Negros Oriental. Ang kaibahan lamang, mga pulis at hindi sundalo ang rumatrat sa 14 na magsasaka. Ayon sa mga nakasaksi, nagkaroon ng operasyon ang mga pulis sa Canlaon City, Manjuyod at Santa Catalina noong Sabado. Pinasok umano ng mga pulis ang mga bahay ng biktima at naghalughog. Pinagbabaril umano ang mga biktima sa loob mismo ng bahay makaraang halughugin.

Pero sabi ng Philippine National Police (PNP) mga rebelde umano ang mga napatay. Kabilang daw ang mga ito sa mga NPA na sumalakay sa security forces sa Negros Oriental. Lumaban daw ang mga ito kaya nagkaroon ng labanan. Ayon pa sa PNP, mga miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang mga napatay at pinatotohanan naman ito mga pinuno ng nabanggit na samahan.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng mga napatay, hindi NPA ang mga ito. Wala raw awang pinatay ng mga pulis ang kanilang kaanak. Wala naman daw nakuhang mga armas sa loob ng bahay. Hustisya ang kanilang hiling.

Sinibak naman ni PNP General Oscar Albayalde ang apat na police officials kaugnay sa pagkakapatay sa 14 na magsasaka. Nararapat na magkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring ito. Makipagtulungan sana ang PNP para maging mabilis ang pag-iimbestiga. Hindi sana ito matulad sa iba pang kaso na nawalang parang bula. Bumuo ng independent body na magsisiyasat sa nangyaring masaker. Maging mabilis sana ang paghalukay sa katotohanan.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with