^

Punto Mo

Sawa, gamit sa Indonesia sa pagpapaamin ng suspek

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HUMINGI ng paumanhin ang mga pulis sa Indonesia matapos maging viral ang video ng interogasyon nila sa isang suspek na pinaaamin nila gamit ang isang sawa.

Mapapanood sa video ang paghalakhak ng mga pulis habang ipinupulupot nila ang sawa sa nakaposas na suspek at sumisigaw sa takot.

Sa gitna ng interogasyon ay maririnig ang pagtata-nong ng mga pulis sa lalaki kung ilang beses na siyang nakapagnakaw ng cell phone.

Dalawang beses pa lamang daw niya itong nagagawa, ayon sa suspek na namimilipit sa takot.

Bagama’t aminado ang hepe ng istasyon na si Tonny Ananda Swadaya na mali ang kanilang ginawa sa suspek, ipinagtanggol pa rin niya ang kanilang kakaibang paraan ng interogasyon.

Bukod sa pagdidisiplina sa mga pulis na sangkot sa insidente, hindi naman daw nila pisikal na sinaktan ang suspek at hindi naman daw makamandag ang sawang ipinulupot sa kanya.

vuukle comment

INTEROGASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with