^

Punto Mo

Mga rapist ng bata dapat bitayin

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

GUSTONG balibagin ng GABRIELA ang sinasabing ra-pist policeman na gumahasa sa isang 15-anyos na bebot bilang prenda para ma- abswelto ang parents nito sa kaso ng droga.

Ikinabuwisit pa ng Gabriela ang pangangatwiran ng itinuturong rapist, na si  PO1 Eduardo Valencia, na kalakaran naman daw sa mga operasyon sa droga ng pulisya ang panggagahasa sa mga suspect o sa mga kaanak nito.

Gago talaga pati ang kapulisan gusto pang sirain ng maniac na animal.

Sabi ng Gabriela kailangan bitayin este mali panagutin pala si PO1 Valencia at mga superyor nito sa nasabing kaso ng panggagahasa, at kagyat na isagawa ang isang impartial at masusing  imbestigasyon sa buong kampanya kontra-droga ng gobyerno na batbat ng mga paglabag sa karapatan ng mga mamamayang biktima, kabilang na ang extrajudicial killings at karahasan sa kababaihan, tungo sa pagpapanagot sa mga pulis at opisyal ng pamahalaan na sangkot dito.

Ang pag-aming ito ni PO1 Valencia ay hindi kataka-taka dahil sa notoryus naman talaga ang kapulisan sa ganitong uri ng karahasan sa kababaihan.

Ayan nasisi na tuloy ?

Sa katunayan, may mga kaso ng panggagahasa at iba pang pang-aabuso sa kababaihan ng mga pulis at mga militar na naibalita o idinulog sa GABRIELA sa mga nakaraan taon.

Dapat kay Valencia ay ikalaboso agad sa city jail para maramdaman niya ang pait na gagawin sa kanya ng mga kapwa niya preso.

Kambiyo issue, ganitong klase ng erpat ang dapat sinisipa para makita si Satanas sa impierno at doon magsisi sa ginawang panghahalay sa kanyang 7 years old daughter.

Grabe ang hayup na adik na ito !

Ginahasa sa kanilang haybol sa Brgy. Asaklat, Nagtipunan, Quirino, ang kawawang bata.

Ginapang daw ni Zaldy Quintero, 27, ang tulog na anak na isang Grade 2 pupil.

Pinasakan ng kung anong bagay sa bibig ang bata para hindi makasigaw at ang hinubad na suot nitong baro ang ginawang panali sa pobreng bebot para hindi makagalaw habang ginagawa ang kababuyan ng gagong adik.

Nahuli ang kamote ng magsumbong sa mga pulis ang nagmalasakit sa batang anak nito.

“Ano kaya sng mainam gawin sa kamote ?”

Sagot - pitpitin ang et-et para magtanda. Hehehe !

Dalawang pieasong marijuana ang nakuha sa rapist na ama pero hindi tayo naniniwala na ‘damo’ lang ang tinira nito.

Baka tumira pa ng floorwax kaya mataas ang amat !

vuukle comment

EDUARDO VALENCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with