^

Punto Mo

British swimmer, 74 na araw lumangoy para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHA ng British swimmer na si Ross Edgley ang world record para sa pinakamatagal na paglangoy sa dagat noong Agosto 14. Tumagal ng 74 na araw ang kanyang paglangoy.

Sa buong panahon na iyon, anim na oras lamang ang pahinga ni Edgley kada araw. Bukod doon ay nakatuon na sa paglangoy ang kanyang buong araw.

Nahigitan niya ang world record na naitala ng Pranses na si Benoit Lecomte tatlong dekada na ang nakakaraan nang languyin nito ang karagatang Atlantiko sa loob ng 73 araw.

Ayon sa 32-anyos na swimmer, ginawa niya lamang daw ito bilang bahagi ng kanyang pangunahing layunin: ang malangoy ang palibot ng buong United Kingdom.

Sa tagal ng kanyang pamamalagi sa dagat, nasa 1,770 kilometro pa lang ng kabuuang 3,218 kilometro ang kanyang nalalangoy.

Bukod sa napakalaking distansya, malaking balakid din daw kay Edgley ang mga jellyfish at ang paglangoy kapag gabi.

vuukle comment

ROSS EDGLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with