^

Punto Mo

‘Asin’ (Ika-4 na bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPASUBSOB ako nang iniharang ng pilyo kong kaklase na si Larry ang kanyang paa sa daraanan ko. Si Larry ang bully sa aming klase. Palibhasa ay matangkad siya kaya kinakaya-kaya ang mga katulad kong patpatin.

Wala pa ang aming teacher nang mangyari ang pagpatid sa akin ni Larry.

Dahil sa pagsubsob ko, nabuksan ang aking bag at natapon ang baon kong asin sa sahig.

Nakita ni Larry ang asin at tatawa-tawang tinanong ako.

“Bakit ka may asin ha?’’

Hindi ako sumagot at pinulot ang asin na kumalat at inilagay ko muli sa supot at itinago sa aking bag.
“Anong gagawin mo sa asin ha? Suntukin na kita riyan!’’ sabi pa ni Larry at inambahan ako ng suntok.

Gusto ko nang lumaban pero nagpigil pa rin ako. Natatandaan ko ang sabi ni Lola na hangga’t makakapagpigil daw ay kontrolin ang galit. Huwag daw padadala sa galit.

“Ano lalaban ka?’’ tanong ni Larry.

Biglang lumapit si ­Daniela at hinarap si Larry.

“Ano ba ang ginagawa sa iyo ni Manuel? Wala naman siyang ginagawa sa’yo ah!’’

“Ba’t mo pinagtatanggol yan? Siguro may gusto ka sa kanya ano?’’

Biglang sinampal ni Daniela si Larry.

Nagalit si Larry at akmang sasampalin din si Da­niela pero eksaktong dumating ang ­aming guro.

Isinumbong ni Daniela si Larry sa aming guro. (Itutuloy)

vuukle comment

SALT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with