^

Punto Mo

Bata na nagkolehiyo sa edad na 8, nakapagtapos ng doctorate degree sa edad na 17!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa Arizona, U.S. ang nakapagtapos ng doctoral degree sa edad na 17!

Noong 2016, nagsimulang pumasok sa kolehiyo si Dorothy Jean Tillman II para sa kanyang Associate’s degree sa Psycho­logy sa edad na walo. Nang matapos niya ang two-year course na ito, kumuha naman siya ng Bachelor’s degree sa kursong Humanities sa Excelsior College sa New York.

Nang maka-graduate sa edad na 10, sinimulan naman niya ang kanyang Masteral degree sa Environmental Science and Sustainable Engineering sa Unity College at natapos niya ito sa edad na 14.

Nang makuha ang kanyang Masteral degree, itinayo niya ang Dorothy Jeanius STEAM Leadership Institute na tumutulong at humihikayat sa daan-daang mahihirap na kabataan na ipagpatuloy ang pagkuha ng STEAM (science, technology, engineering, arts and mathematics) careers.

Habang busy sa kanyang STEAM camp startup, nagpasya si Dorothy na ipagpatuloy sa Arizona State University ang kanyang doctorate degree sa ­Behavioral Health ­Management Program.

Matapos ang dalawang taon, natapos niya ito at nakagawa siya ng history sa Arizona State University bilang youngest doctoral degree holder sa edad na 17.

vuukle comment

COLLEGE DEGREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with