^

Probinsiya

5 ‘tulak’ timbog sa P1.3 milyong shabu

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
5 �tulak� timbog sa P1.3 milyong shabu

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa P1.3 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasamsam ng PNP-Drug Enforcement Group sa limang hinihinalang tulak kabilang ang isang dalaga sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Iba, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo ang mga natiklong suspek na sina Jonathan Dagami alyas “JR”, 43, may-asawa ng Lower Bulac 2, Brgy. Malhacan, Meycauayan City; Gian Carlo Miranda alyas “Kalbo”, 39, binata ng No. 41 G De Jesus St. AMV Brgy. Iba, Meycauayan; Eliodoro Perucho Jr., 44, may-asawa ng 19 Ballast St., Meralco Village, Brgy. Lias, Marilao, Bulacan; Christopher Ventura, 20, binata ng Sta. Rosa II, Marilao, Bulacan, at Maria Tetesita Dimanlig, dalaga ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Ang mga natiklong suspek ay kabilang sa All Unified PDEA/PNP drug watchlist.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-4:39 ng madaling araw nang magsagawa ng drug ope­ration ang mga otoridad sa Brgy. Iba at doon nasakote ang limang suspek habang nagbebenta ng ipinagbabawal na shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 na piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, 6 na piraso ng large transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 305 gramo at nagkakahalaga ng P1,394,000.

Ang mga nakum­piskang droga ay agad na dinala sa Provincial Forensic Unit para sa kaukulang examination.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with