^

Punto Mo

Kapitan ng yate na nagdala ng shabu sa Pinas, tiklo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Nagkaroon na ng linaw ang kaso ng 1.4 toneladang shabu na nagkakahalagang P9.6 bilyon na nakumpiska sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15 matapos masakote ng pulisya ang Canadian national na kapitan ng yate na nagdala ng droga sa Pinas. Hindi na nakaporma si Thomas Gordon O’Quinn alyas James Toby Martin nang masakote ng operatiba ng NCRPO intelligence division, PRO4A at Bureau of Immigration sa Nature Spa and Wellness sa Bgy. Maitim ll sa Tagaytay City.

Hinahalungkat na ang tunay na pagkakilanlan ni O’Quinn dahil nakumpiska sa posisyon niya ang 14 ID cards na sa iba’t ibang pangalan. Naniniwala si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez na sa pagkaaresto kay O’Quinn mahuhubaran na ang misteryo sa nakumpiskang 1.4 toneladang shabu.

“The NCRPO, along with our law enforcement partners, will continue to pursue all associated individuals and networks with enhanced intelligence operations and joint efforts,” ani Nartatez. “This arrest is a testament to our relentless pursuit of those who threaten our society with illegal activities,” dagdag pa ng NCRPO chief. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang toneladang shabu na lulan sa kulay puting Foton van, ay nasabat sa isang police checkpoint sa Bgy. Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas noong Abril 15. Hindi maipaliwanag ng drayber na si Michael Zarate ang kargamento niya basta binayaran siya ng P1,600 para i-drive ang sasakyan.

Sa follow-up operations, nabawi ng PDEA ang yate na nakatiwangwang at nakadaong sa isang puerto sa Nasugbu, Batangas. Pinaghinalaan na sa yate isinakay ang nakumpiskang shabu. Apat na araw ang makalipas, sinalakay ng mga tauhan ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang isang bahay sa Nasugbu subalit hindi nila inabutan si O’Quinn. Hehehe! Hindi talaga nilubayan nina Nartatez at Lucas ang kaso hanggang maaresto si O’Quinn, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Binuwenas naman ang NCRPO at Calabarzon cops dahil may nakapag-tip sa kanila ng kinaroroonan ni O’Quinn at hindi na nila pinalampas ito. Nakumpiska sa sling bag ni O’Quinn ang dalawang plastic sachets na umano’y naglalaman ng shabu, isang sachet na umano’y naglalaman ng cocaine, at isang plastic na ang laman ay mga tablets na maaring illegal drugs. Kasama sa nakuhang ebidensiya ang 14 IDs na may litrato ni O’Quinn subalit sa iba’t ibang pangalan, tulad ng James Toby Martin, Robert Wagner, Steve Wilson, Ryan Brooke, Steve McDonald,  at Jay Macallan.

Narekober din ang apat na bank cards, pitong cellular phones, isang Xiaomo tablet, 14 pirasong SIM cards, black wallet na may lamang P3,600 at isang Fenix watch. Tsk tsk tsk! Mukhang sangkot sa isang sindikato si O’Quinn, ‘no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito.

Ang suspect ay inaresto sa bisa ng Mission Order na inisyu ng BID dahil sa Interpol Red Notice na may file No. 2018/29998 “for conspiracy to possess, export and distribute illegal substances into the United States with penalty of life imprisonment.” Eh di wow! Positibong kinilala ni Zarate si O’Quinn. Hehehe! Mismooooo!

Ayon kay Nartatez, ang suspect ay kinasuhan noong Sabado ng paglabag ng Section 11 ng Article 11 ng R.A. 9165 at Article 178 o using fictitious name and concealing true name sa Department of Justice. Ayosss! Abangan!

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with