^

Probinsiya

Big-time dealer, 17-anyos timbog sa P12.8 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang big-time drug dealer at isang 17-anyos na kapwa nasa listahan ng high value individual (HVI) sa inilatag na magkasunod na buy-bust operation sa Dasmariñas City.

Kinilala lang ng pulisya ang suspek na si alyas Nick, nasa hustong gulang at nasa listahan din ng HVI ng pulisya.

Sa nakalap na ulat mula sa Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite PPO, alas-10:40 ng umaga kahapon nang ikasa ng PDEU Cavite-PPO at Dasmariñas Police ng buy-bust laban sa suspek na may alyas na Nick, sa Brgy. Sampaloc 3, Dasmariñas City.

Nakumpiska kay Nick ang 8-medium size ng plastic at 1 chinese Tea bag kung saan nakalagay ang mga droga na aabot sa timbang na 1,800 gramo at may halagang P12,240,000.

Samantala, arestado rin ang isang 17-anyos na binatilyong alyas “Chayan” nang makuhanan ng mahigit sa 100 gramo ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Ayon sa pulisya, alas-4:08 ng madaling araw nang masakote ang binatilyo sa kanilang ikinasang buy-bust operation. Narekober sa kanyaang dalawang malaking plastic na naglalaman ng mahigit sa 100 gramong shabu na nagkakahalaga ng P680,000 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

NICK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with