^

Punto Mo

Biyahe ng LRT, MRT giit na iextend din

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Lalung tumindi ang nararanasang trapik sa buong Metro Manila lalu na nga’t  pumasok na ang buwan ng Disyembre o holiday season.

Wala na talagang masulingan, kahit saan nagdidilim sa trapik.

Siyempre sabay-sabay ang mga shoppers  ngayong panahon ng Christmas rush. Sumasabay pa ang maraming pasaway at walang disiplinang mga driver at motorista sa mga lansangan.

Ibat-ibang paraan na ang ipinapanukala para kahit papaano ay maibsan ang trapik, pero tila walang epek.

Kabilang nga rito ang pagpapatupad ng moratorium ng  MMDA sa mga road re-blocking,  para  hindi na makadagdag sa masikip na trapik.

Nandyan din ang inadjust ang oras ng bukas at sara ng mga mall, para na rin hindi magkasabay-sabay ang mga shoppers.

Pero may hiling ang maraming mga  commuters, ayon sa kanila tutal din lang umano ay nag-extend ang oras ng mga mall sana raw eh maisip din ng mga kinauukulan na i-extend din ang biyahe  ng  LRT-MRT  at iba pang mass transport.

Isang malaking pahirap daw sa   mga pasahero ang sobrang trapik sa mga lansangan na kahit na nga ibat-iba ang mga inirerekomenda ng paraan  ay di pa rin maibsan ang kalbaryong dulot nito.

Ang LRT at MRT ang iba pang mass transport sa bansa ang siya ngayong tinatangkilik ng maraming mga pasahero. Kahit na nga mahaba ang pila at madalas ang mga aberya ay dito at dito pa rin nagtitiyaga ang maraming mga pasahero. Dahilan nila , ok lang maghintay sa pila, ok lang kahit pa sabihing madalas ang aberya, ito pa rin ang kanilang binabalik-balikan, kasi nga matinding stress kung sa mga pangunahing lansangan sila dadaan.

Mas magaan pa rin sa kanila ang haba ng pila, kahit nakatayo at siksikan o palitan na ng mukha sa loob ng mga tren, mas madali umano silang nakakarting sa kanilang patutunguhan kaysa naman sa kalbaryong dulot ng matinding trapik sa mga lansangan.

Giit nila bakit hindi ito ang subukan, ang mapahaba kahit ngayong holiday season ang oras ng biyahe nito baka sakaling makatulong para maibsan ang trapiko.

vuukle comment

ANG

DAHILAN

DISYEMBRE

GIIT

IBAT

ISANG

KABILANG

KAHIT

MGA

NANDYAN

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with