^

Punto Mo

Sir Juan (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINAGMASDAN ni Nectar si Mahinhin na noon ay binabantayan ang washing machine. Marami itong nilalabhan. Wala namang kamalay-malay si Mahinhin na pinagmamasdan siya ni Nectar.

Habang pinagmamasdan si Mahinhin ay nagtatanong si Nectar sa sarili kung bakit tila napakalakas nito kay Sir Juan. Nagtataka si Nectar kung bakit solo ito sa kuwarto na dati ay hindi naman pinauupahan sa boarders. Masyadong malakas ito kay Sir Juan na parang mayroong ginawa para mapapayag na doon tumira. Hindi kaya ina­alembungan nito si Sir Juan. Maganda rin kasi si Mahinhin. Slim na slim. Napaismid si Nectar, maganda rin naman siya at seksi.

Nag-isip ng paraan si Nectar kung paano makukumpronta si Mahinhin. Kailangang maipakilala niya rito na mayroon din siyang impluwensiya at mas nauna siya sa boarding house na ito.

Nilapitan niya si Mahinhin.

Naramdaman ni Mahinhin ang paglapit niya. Napali­ngon ito.

“Puwedeng ako naman ang gumamit ng washing machine? Kanina ka pa kasio diyan?’’

“Ha e oo. Sandali na lang ito. Matatapos na ako.’’

“Kanina ka pa nga e. Marami rin akong lalabhan. Hindi lang naman ikaw ang nakatira rito.’’

“Sorry, sandali na lang ito. Babanlawan ko na lang ito.’’

“Mahinhin nga ba ang name mo?’’

“Oo. Paano mo nalaman?’’

“Hindi na importante yun. Basta nalaman ko ang pa­ngalan mo at dun ka pala sa room ng dating may-ari nito nakatira. Paano mo napapayag si Sir Juan?’’

Nagtaka si Mahinhin kung bakit parang pulis kung magtanong ang babaing kaharap. Pero naging mahinahon siya.

“Nakiusap ako sa kanya. Kasi wala na talaga akong matirahan. Working student kasi ako. Nag-aaral ako sa araw at nagwo-work sa gabi.’’

Nakaismid si Nectar habang nagsasalita si Mahinhin.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABANLAWAN

HABANG

ITO

KANINA

MAHINHIN

MARAMI

NECTAR

PAANO

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with