^

Punto Mo

29-anyos na babae sa Ghana, pinakasalan ang kanyang aso sapagkat katulad daw nito ang ugali ng yumaong ama!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA halip na tao ang pakasalan ni Emily Mabou, 29, ng Ghana, ang kanyang alagang aso ang pinili niyang pakasalan. Isinagawa ang kasalan ng isang traditional priest at dinaluhan ng mga tao sa village. Marami ang nakiusyuso sa kasalan ni Emily at 19-na taong gulang na aso. Sabi ng pari bago ang seremonyas ng kasal, huwag gagawa ng anumang paggambala ang mga taong naroon. Makipagsaya raw sapagkat natagpuan ni Emily ang kaligayahan.

Tutol naman ang pamilya ni Emily sa pagpapakasal nito sa aso. Baliw daw si Emily sapagkat ninais na magpakasal sa aso kaysa tao na makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Sabi ng kanyang kapatid na si David Mabou, hindi na raw nalalaman ng kanyang kapatid ang ginagawa.

Pero sabi ni Emily nang kapanayamin ng mamamahayag, matagal na raw niyang pangarap na makapag-asawa na may katulad ng pag-uugali ng kanyang namatay na ama. Ang kanyang ama raw ay mabait, matapat sa kanyang ina, masunurin at mapagmahal. Hindi raw binigyan ng anumang sama ng loob ng kanyang ama ang kanyang ina. Marami na raw siyang nakarelasyong lalaki at pawang mandaraya, manloloko at babaero. At dahil ang kanyang aso ay mabait, matapat at masunurin sa kanya, ito ang napili niyang pakasalan. Nasa kanyang aso ang lahat nang kanyang hinahanap sapagkat kapareho ito ng kanyang ama.

Hindi naman nabanggit sa report kung saan tumira si Emily at ang aso pagkatapos ng kanilang kasal.

vuukle comment

ANG

ASO

BALIW

DAVID MABOU

EMILY

EMILY MABOU

ISINAGAWA

KANYANG

MAKIPAGSAYA

MARAMI

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with