^

Punto Mo

Sampaguita (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUPUNTAHAN niya si Levi sa bahay nito. Kunwari ay may itatanong siya rito ukol sa brokerage at sa realty business. Nalaman niya kay Sir Manuel na mara-ming brokerage company si Levi at mayroon ding realty. Tumitipak daw sa negosyong brokerage dahil lahat nang mga corrupt na opisyal at empleado sa Customs ay kilala nito. Nailalabas ang kargamento sa Customs na kaunti lang ang ibinabayad sa taripa.

Makikipagkuwentuhan siya kunwari rito. Pagkukuwentuhan niya ng mga nangyari sa mga nakarelasyong babae. Kailangang malaman niya mula rito ang mga nangyari. Kahit pa alam niyang binabaliktad nito ang pangyayari, kailangan pa rin niyang malaman. Makiki-paglokohan siya. At saka kunwari ay makikisimpatya siya sa mga naranasan nitong sakit. Maaawa kunwari siya. Hanggang magpaparamdam siya na may gusto na rin siya rito. Papapasukin niya hanggang mahuli ng kanyang bitag.

Pero ang lahat nang balak niya ay kinunsulta muna kay Ram.

“Kailangang sumama ako sa’yo sa pagtungo sa bahay ni Levi. Delikado ka sa taong yun, Sam. Di ba ikaw na rin ang nagsabi na pinaalala-hanan ka ni Sir Manuel na huwag makikipag-usap kung kayong da-lawa lang.’’

“Oo nga Ram pero baka ma-ging uncomfortable siya kapag nakitang kasama kita. Baka maghinala. Kaya ko namang ipangtanggol ang sarili kung sakali. At kung may gagawin siya sa akin, sisigaw ako. Siguro naman ay maririnig mo ako, Ram.’’

“Paano kung hindi ka na makasigaw dahil nahilo ka na sa pinainom niya.’’

“Hindi ako iinom ng kahit ano o kahit anong pagkain ay hindi rin ako titikim.’’

“Baka may ipaamoy sa’yo.”

“Kapag naramdaman ko, sisigaw agad ako.’’

“Okey kung yan ang pasya mo. Sige, aalerto ako. Basta sumigaw ka nang malakas.’’

“Oo Ram.’’

“Kung magdala ka kaya ng patalim o kahit maliit na lanseta. Para self defense.’’

“Huwag na.’’

“Kailan ka pupunta sa bahay ni Levi.’’

“Ngayon na. Kailangang maikasa ko na ang mga hakbang. Gusto kong matapos na ang misyong ito.’’

“Sige, magbabantay ako sa anumang mangyayari. Maghahanda ako para masaklolohan ka kung sakali.’’

“Salamat Ram.’’

Makaraan ang ilang minuto ay nagtungo na si Sam sa bahay ni Levi. Kumatok siya sa gate. Hindi siya gumamit ng door bell. Kinalabog niya ang pinto.

Tiyak na magugulat si Levi sa pagdating niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

KAILANGANG

KUNG

NIYA

OO RAM

SALAMAT RAM

SIGE

SIR MANUEL

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with