^

Punto Mo

‘Buhangin’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

STRESS Management Seminar. Ang speaker na isang psychologist ay may bitbit na tig-isang plastic na buhangin sa magkabilang kamay. “Class, sa palagay ba ninyo ay mahihirapan ako sa pagbitbit ng mga ito?”

“Depende sa weight ng buhangin, mas mabigat, mas mahihirapan ka.” Nagkakaisa ang sagot ng mga  participants.

Ngumiti ang psychologist at pagkatapos ay umiling. “Walang kinalaman ang weight ng buhangin. Ang hirap na mararanasan ay depende kung gaano mo ito katagal bibitbitin. Kung isang segundo ko lang naman bibitbitin ang buhangin. Walang problema. Kung isang oras, medyo nakakangawit na ng braso. Kung isang buong araw, aba, maninigas na ang braso ko, at katangahan na iyon, dahil puwede ko namang ibaba ang buhangin. Ang nagpapabigat ng problema ay ang sobrang pag-iisip dito.”

Nagpatuloy sa pagsasalita ang psychologist. “Ang stress at worries sa buhay ay kahalintulad ng bitbit na buhangin. Isipin mo ang worries mo ng isang minuto, okey lang. Isipin mo ng apat na oras. Aray! masakit na sa dibdib. At kung maghapon mo itong iisipin, mapa-paralyzed na ang utak mo, wala ka nang magagawa sa maghapon kundi tumunganga.”

Ipagpatuloy ang buhay gaano man kabigat ang problemang duma­rating. Laging tandaan, puwede namang magpahinga at ibaba ang bitbit na buhangin.

vuukle comment

ARAY

BUHANGIN

IPAGPATULOY

ISANG

ISIPIN

LAGING

MANAGEMENT SEMINAR

NAGKAKAISA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with