^

Punto Mo

The Best Hell

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG lalaki ang namatay at sa kasamaang-palad ay sa impiyerno siya napapunta. Pagpasok pa lang ay natuklasan niyang may iba’t ibang pagpipiliang impiyerno — German Hell,  American Hell, Russian Hell at Filipino Hell. Bago mamili kung saan siya papasok ay inisa-isa muna niya kung paano magparusa sa apat na Hell.

Sa German Hell, nakita niyang pinauupo muna ang tao sa nagbabagang electric chair ng isang oras. Pagkatapos ay pahihigain sa papag na may nakausling mga pako. Habang nakahiga ay lalatiguhin ang tao ng isang German devil nang walang tigil sa loob ng isang oras. Matikas ang German devil kaya malakas siyang humampas ng latigo. Natakot ang lalaki.

Kasunod niyang sinilip ang Russian Hell, pagkatapos ay American Hell. Nalaman niya na walang pagkakaiba ang pagpapahirap na ginagawa sa Russian at American Hell. Pero mas malalakas at malalaking tao ang Russian at American devil na taga-latigo dahil ang American ay dating boksingero; samantalang ang Russian naman ay dating wrestler. Mabibigat ang mga kamao kaya lumalatay talaga ang bawat hampas ng latigo.

Huli niyang pinuntahan ang Filipino Hell. Aba, maraming nakapila. Nagtanong ang lalaki sa mga nakapila.

“Ano bang parusa ang ginagawa sa Filipino Hell at tila lahat ng bagong pasok ay ito ang pinipili?”

“Kung ano rin ang ginagawa sa German, American at Russian­ Hell. Kaya lang mas madalas ang brown out kaya hindi umiinit ang electric chair. Ang hinihigaan na papag ay naubusan na ng pako dahil laging may nagnanakaw para ibenta sa ibang Hell. Ang Filipino devil naman na taga-latigo ay mas matagal pa ang ginugugol sa pagmemeryenda sa canteen kaysa asikasuhin ang kanyang trabaho. Ang nangyayari tuloy, mga 20 minutes na lang niyang nilalatigo ang tao sa halip na isang oras. Tapos, siyempre busog na medyo tinatamad-tamad, mahina lang siyang pumalo.”

vuukle comment

AMERICAN

AMERICAN HELL

ANG FILIPINO

ANO

FILIPINO HELL

GERMAN HELL

HELL

RUSSIAN HELL

SA GERMAN HELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with