^

Punto Mo

Mayaman ang bansa

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Bansang Pilipinas ay napakayaman

mga tao rito’y mapera sa kaban;

magagandang pook ay napupuntahan

at hindi problema ang mga sasakyan!

 

Maraming biyaya tayong mga Pinoy

sa likas na yaman -- bundok ay makahoy;

sa lahat ng dako ay nangakahanay

ang mayamang lupa’t dagat na makinang!

 

Mga baya’t bukid nitong ating bansa

ang taong masikap maraming biyaya;

karagatan natin ay maraming isda

mga magsasaka sa linang sagana!

 

Ang ating lupain ay sapat sa lahat

bawat mamamayan ay may yamang likas

basta’t masikap ka at di tatamad-tamad

lupang bubungkalin  may saganang bigas!

vuukle comment

ATING

BANSANG PILIPINAS

BIYAYA

LAHAT

LIKAS

MARAMING

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with