^

Punto Mo

PDAF, DAP at SONA

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NALALAPIT na ang State of the Nation Address (SONA) ni President Aquino. Nakatakda ito sa Hulyo 28. Lumutang na isa sa magiging sentro ng kanyang SONA ay ang usapin sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian at ma­aring idugtong ang  pagkakabilanggo nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr na isinasangkot sa pork barrel scam.

Dapat ay laman talaga ng SONA ang mga accomplishment na ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagpakulong ang gobyerno ng mga senador na sangkot sa paglustay sa pondo ng bayan.

Kahit paano, mayroong napapanagot na mataas na opis-yal na sabit sa mga maanomalyang paglustay sa pondo. May mga kantiyaw nga lang dahil walang kaalyado o kapartido ni P-Noy ang nasampahan ng kaso sa scam kaya kinukuwestiyon ang usapin.

Lumabas na ang desisyon ng Supreme Court sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang unconstitutional. May mga banta na isusulong ang impeachment laban kay P-Noy subalit malabo itong magtagumpay dahil mayorya sa House at Senate kaalyado ng Presidente.

Binabatikos si Budget secretary Butch Abad at nadadamay si P-Noy. Ilegal ang DAP subalit ang pinagtatalunan na lang ay ang magandang intensiyon ng proyekto o ang bukambibig na “good faith”.

Para matiyak na walang anomalya, siyasating mabuti kung saan napunta ang pondo ng DAP. Kung ito ba talagang nagamit sa mga proyekto para sa interest ng taumbayan at hindi naibulsa ng mga tiwaling opisyal.

Magiging makulay ang SONA ni P-Noy kung isasama niya sa talumpati ang pagsibak sa mga Cabinet official na pumalpak sa DAP at ang pagsasampa ng kaso sa mga kaal-yado niyang sangkot sa pork barrel scam.

vuukle comment

BONG REVILLA JR

BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JINGGOY ESTRADA

P-NOY

PRESIDENT AQUINO

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

STATE OF THE NATION ADDRESS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with