^

Punto Mo

Lampong (479)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

L IGTAS na sa kama­tayan si PO1. Tulu­yang naampat ang dugo dahil sa itinapal na ki­nayod na balat ng Uloy.

“Ninong, ang husay pala ng Uloy. Wonder tree pala talaga ’yan. Iglap ay agad tumigil ang pag­durugo ni PO1.’’

“Wonder tree nga ang Uloy, Mulong. Napakahusay na punongkahoy.’’

Nang bigla ay may na­rinig na naman silang mga putok.

“Mukhang namamaril na naman si Rey, Mulong, yumuko ka dali!”

Napayuko sila habang nakakober sa ma­laking puno ng Uloy.

“Wala yatang balak sumuko si Rey, Ninong. Patuloy na na­mamaril.’’

“Dapat barilin na rin siya dahil delikado na. Dapat unahan na nila. Hindi na susuko si Rey. Desperado na talaga siya!”

Hanggang sa makarinig sila ng ingay. May pinagkakaguluhan ang mga pulis.

Hanggang may su­migaw mula sa ilalim ng punong Uloy.

“May tama si SPO4! May tama si SPO4! Paki­tulungan siya, please!’’

Agad na kumilos si Dick para matulungan ang pulis na biktima na naman ni Rey.

‘‘Tulungan natin si SPO4, Mulong. Mukhang nasapol din siya.’’

‘‘Hayop pala talaga si Rey. Uubusin yata ang mga pulis.’’

‘‘Madadala mo ba rito si SPO4, Mulong?’’

‘‘Susubukan ko Ninong. Hintayin  mo ako rito.

Mabilis na nakalapit si Mulong sa kinaroroonan ni SPO4. May tama ito sa balikat. Dinala agad ni Mulong si SPO4 sa kina­roroonan ni Dick. Gaya ng ginawa nila kay PO1, kinayod uli ni Mulong ang balat ng Uloy. Nang makakayod ay agad inilagay sa sugat ni SPO4. Napasigaw sa sakit si SPO4. Mabilis na tinalian ni Dick ang sugat ni SPO4.

Hanggang sa ma­ka­rinig sila ng mga putok ng baril.

Dalawang pulis ang umaasinta sa kinaroroonan ni Rey. Hanggang sa makita­ nila ang pag­bagsak ni Rey mula sa itaas ng Uloy. Parang ibon na bumagsak ito sa mga nakakalat na bunga ng uloy.

‘‘Wala na ang rapist­, Ninong. Nag­bayad din siya,’’

“Oo nga.’’

“Palagay ko matatapos na ang problema. Makakahinga na tayo nang ma­­luwag.

‘‘Sana nga, tapos na…”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DAPAT

HANGGANG

MABILIS

MUKHANG

MULONG

NINONG

SHY

SPO4

ULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with