^

Punto Mo

Balik trapik, balik baha

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ano ba itong nangyayari sa Maynila, kung noong nakalipas na buwan, ramdam na ramdam ang maluwag na daloy ng trapiko dahil na rin sa mga mahigpit na ipinatutupad na patakaran, mukhang ngayon eh balik na naman sa dati, matindi na naman ang trapik kahit saan.

Eto pa ha, bukod sa bumabalik ang matinding trapik, grabe ngayon ang mga pagbaha. Sa kaunti at hindi katagalang ulan lamang, abay ilang araw na nakitang mistulang sapa ang ma­raming bahagi sa lungsod.

Wala pang bagyo yan o hindi matinding habagat yan, kung baga eh ‘dumaan’ lamang na ulan, mistulang sapa talaga ang lungsod.

Unahin na natin ang tungkol sa trapik.

Kasi nang simulang ipatupad ng pamahalaang lungsod ang bus ban na talaga namang kuntodo mahigpit na pagbabantay ng mga opisyal ng Maynila sa bahagi pa lamang ng Welcome Rotonda para harangin ang mga city bus na walang permanent terminal sa Maynila.

Lumaki pa nga ang usapin dito. Marami ang nagreklamo, pero marami rin ang natuwa dahil talagang naramdaman ang maluwag na daloy ng trapiko sa lungsod.

Maging sa mga parking, mahigpit na nagpatupad ang MPD-Traffic, pero matapos ang ilang linggo, mukhang bumabalik na naman sa dati.

Ang kahabaan ng España, hindi malaman kung bakit muling nagtrapik nang matindi. Ang mga stop light na dati pare-pareho kapag nag-go at nag-stop, ngayon iba-iba na naman ang takbo at timing kaya bumalik ang trapik.

Sa baha naman, nakapagtataka na kaunting ulan lamang lubog ang Maynila. Walang mapuntahan ang tubig, tila ang problema talaga dito eh ang drainage system.

Yung ibang lugar na dati eh hindi binabaha kahit medyo­ may kalakasan ang ulan, nga­yon konting buhos lang ng ulan ang taas ng baha.

Yung Quiapo, bumabaha lang dyan kapag matindi na talaga ang buhos ng ulan, pero ngayon abay, talagang sapa kahit konti lang ang ulan, hanggang sa pagbaba ng Quezon bridge hanggang sa maka­lagpas ng Manila City hall, palala ang baha.

Mas dapat itong nakikita ng mga opisyal ng city hall dahil mismo sa harap nila nagmi­mistulang dagat o sapa.

Trapik na, baha pa.

Baka nagkakalimutan na naman. Baka sa umpisa lang masigasig, ilang araw pa lang nagdaraan nagkakalimutan naman sa mga sinimulang mga patakaran.

Malamang mauwi na naman sa ‘ningas-kugon’ ang lahat.

vuukle comment

ANO

MANILA CITY

MAYNILA

NAMAN

ULAN

WELCOME ROTONDA

YUNG QUIAPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with