^

Punto Mo

Ang babaing may pinaka-maraming tattoo sa katawan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Isobel Varley, 70-anyos, ng Yorkshire, England, ang babaing may pinaka-maraming tattoo sa katawan sa buong mundo. Umano’y 75 percent ng katawan ni Isobel ay may tattoo. Maski ang kanyang private parts ay mayroon ding tattoo.

Ayon kay Isobel, nagsimula ang kanyang pagkahilig sa tattoo noong 1986. Dumalo umano silang mag-asawa sa isang tattoo convention sa Hammersmith Palais, London. Iyon umano ang unang tattoo convention na kanyang nadaluhan at lubha siyang humanga sa mga nakita. Napakagaganda ng tattoo ng mga tao na kanyang nakita. Na-appreciate niyang mabuti ang beauty ng mga tattoo. At napansin daw niya na ang mga may tattoo ay hindi lamang sa mga karaniwang tao kundi pati mayayaman.

Iyon daw ang simula at nagpalagay na siya ng tattoo. Iyon daw ay sa kabila na takot siya sa sakit o tusok ng karayom na gamit sa pag-tattoo. Ang unang nagtattoo sa kanya ay si Bill Cook.  Wala raw reklamo ang kanyang asawa sa kanyang pagpapatattoo.

Tinanghal siya ng Guiness Book of World Records na “the world’s most-tattooed senior woman” noong 2000. Ayon sa Guiness, may  200 designs na nakatattoo sa katawan ni Isobel. Ang wala lang tattoo sa kanya ay ang mukha, sakong, taynga at ilang bahagi ng kamay.

 

vuukle comment

AYON

BILL COOK

DUMALO

GUINESS

GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS

HAMMERSMITH PALAIS

ISOBEL

IYON

KANYANG

TATTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with