^

Punto Mo

‘Binatang may asawa’

- Tony Calvento - Pang-masa

PATALON-TALON…paamoy-amoy…patikim-tikim. Kumukurot sa putaheng bawal angkinin.

Bunga ng pagkatuliro nagtungo sa aming tanggapan si Marivic “Mavic” De Luna, 40 taong gulang, nakatira sa Dasmariñas, Cavite. Idinudulog niya ang kanyang problema sa asawang si Domingo “Donie” De Luna, 44 taong gulang, isang drayber. Taong 1993 nang ipakilala sila sa isa’t-isa ng isang kaibigan. Nagtatrabaho nun sa San Miguel Corporation bilang ‘head’ ng maintenance si Donie. Si Mavic nasa ‘quality control’ naman ng Norgate Apparel. Lumalim ang kanilang unawaan nang magpursige sa panliligaw si Donie. Nakilala na rin ito ng ina ni Mavic. Buwan ng Oktubre taong 1993 nang magpunta sila sa Nueva Ecija kung nasaan ang pamilya ng lalaki. Bago sila umuwi sa kani-kanilang boarding house nagdaan muna sila sa motel sa Pasay. Dun nila iniraos ang kanilang ‘honeymoon night’. Sabik ang bawat palitan nila ng halik. Nang una ay marahan ngunit nang lumaon ay naging mainit na ito. Naglakbay ang kamay ni Donie sa katawan ni Mavic, humihimas…pumipisil. Sa isang idlap lang nawala na lahat ng damit. Idinagan ni Donie ang buo niyang bigat kay Mavic. Naglapat ang kanilang mga balat. Kinasal sila sa simbahan noong Enero 30, 1994 sa Canlubang, Mayapa Quezon ni Fr. John Vena. Nang mabuntis si Mavic napilitan siyang umuwi ng Quezon dahil walang makasama sa bahay. Nanganak si Mavic noong Setyembre 24, 1994. Nang umuwi si Mavic sa bahay nilang mag-asawa napansin niyang may ka-textmate ito. Naghalungkat siya sa gamit at wallet ni Donie. May nakita siyang mga cards ng motel at picture ng isang babae. Bigay umano ito ng ka-trabahong may gusto sa kanya. “May nakalagay pang I love you sa picture!” sabi ni Mavic.

Nagkakahiwalay sila ng tirahan ng asawa sa tuwing magbubuntis at mag-aaral si Mavic. Gayun din kung madedestino sa ibang lugar si Donie. Nang isilang ni Mavic ang kanilang panga­lawang anak akala niya magiging maayos na ang relasyon nila ngunit lalo pa itong gumulo. Isang nagngangalang Racquel ang naging kasintahan umano ng kanyang asawa. Hindi napigilan ni

 Mavic ang kanyang sarili kaya sinadya niya si Racquel sa pinagta-trabahuan nito at sinabihan ng “Manloloko ka ng asawa! May asawa ka na!” Isang araw nagtext sa kanya si Racquel. “Hindi na ako ang girlfriend ng asawa mo kundi si Helen na. Yung kumare mong asawa nung bestfriend niyang si Aries,” laman umano ng text. Mula nun harap-harapan ng sinasabi ni Mavic sa asawa ang kanyang pagseselos. Marami rin siyang natatanggap na text mula sa di kilalang numero. “Yung asawa mo at yung kumare mong si Helen nagpupunta sa motel sa Pasay,” sabi umano sa text. Gumawa ng paraan si Mavic para mapaglayo niya ang mga ito. Pumunta siya sa ‘computer shop’ at hinanap sa ‘Facebook’ (FB) ang asawa ni Helen na si Aries na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. “Sinabi kong may relasyon ang asawa ko at asawa niya. Marami na sa lugar namin ang nakakakitang lagi silang magkasama,” kwento ni Mavic. Hindi siya pinaniwalaan ni Aries, nagalit ito dahil sinisiraan lang umano nito si Helen. “Ang ginawa ko nag-print ako ng mga natatanggap kong text messages,” wika ni Mavic. Ala-una ng Hunyo 2011 nagpunta si Mavic sa terminal ng tricycle. Lumingon sa paligid. Nang makitang walang kahit na sinong nandun ipinaskil niya ang mga ‘text messages’ na natanggap. Kinabukasan may mga baranggay tanod na nagpunta sa kanilang bahay at sinabing may nagrereklamo sa kanya, si Helen. May testigo din umanong lumutang at nagturo sa kanya. Nagharap sila sa baranggay kasama si Donie. “Kung hindi ka aamin makakasuhan ka ng libel dahil sa ginawa mo,” sabi umano ni Donie. “Aminin niyo muna ang relasyon niyo kung hindi kayo aamin hayaan mong makulong ako. Konsensiya mo na yan!” wika ni Mavic.

Sa huli napapayag umano ni Donie na iurong ni Helen ang demanda laban kay Mavic. Buong akala ni Mavic sa planta ng pinagtatrabahuan ni Donie ito naninirahan. Ngunit napag-alaman niyang may inuupahan itong bahay at nagsasama sila ni Helen. Nag-imbestiga si Mavic, nagtanong-tanong. “Kilala sila ng mga kapit-bahay bilang mag-asawa. Yun din ang alam ng may-ari ng inuupahan nila,” wika ni Mavic. Ilang ulit umanong sinubukan ni Mavic na huwag pansinin ang panloloko ni Donie ngunit sadyang hindi ito maatim ng kanyang kalooban. Ito ang naging dahilan ng paglapit niya sa amin. “Gusto kong humingi ng payo at tulong para magkaroon ako ng sapat na ebidensiya na talagang nagsasama na silang dalawa,” sabi ni Mavic.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00-4:00 ng hapon) ang problemang ito ni Mavic. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang lahat ng ginagawa mo sa iyong kapwa pati na rin sa asawa mo pagdating ng panahon bubuwelta sa iyo to parang basurang itinapon mo. Ang ginagawa mong pagbalewala sa sakramento ng kasal sa simbahan at sa seremonya sa huwes ay may katapat na karampatang parusa. Sa puntong ito kami’y nana-nawagan sa ating mambabatas na paigtingin ang parusa sa mga lalaking tahasang binabalewala ang kanilang sinabi sa kanilang kabiyak na habang buhay kitang mamahalin. Kapag nagawa niyo to siguro magdadalawang isip na ang mga babaerong katulad ni Donie. Kung mapapatunayan na siya’y nakikiapid sa ibang babae kasong ‘Concubinage’ ang kanyang kakaharapin. Pati si Helen bilang ‘Concubine’ ay sasabit din.  (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

• • • • • •

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213263166 (Aicel) 09198972854 (Monique) o 09213784392 (Pauline). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., 709 Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

 

vuukle comment

ASAWA

DE LUNA

DONIE

MAVIC

NANG

RACQUEL

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with