^

PSN Showbiz

Maryo J. payapa ang hitsura!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maryo J. payapa ang hitsura!

Nagpunta na ako sa burol ni Kuya Maryo J. delos Reyes sa Loyola Chapels and Crematorium noong Martes pagkatapos ng dinner namin ni Alfred Vargas sa Mario’s restaurant.

Yes, from Mario’s to Maryo J.’s wake ang mga lakad ko noong Martes.

Marami na ang mga tao nang dumating ako sa Loyola, kahit 8 p.m. pa ang misa para kay Kuya Maryo.

Naabutan ko sa Loyola ang manager ni Kuya Maryo na si June Rufino, si Dolor Guevarra at Malou Choa Fagar.

Mapayapa naman ang hitsura ni Kuya Maryo habang nakahimlay siya sa kanyang ataul na napapaligiran ng mga bulaklak. Mahilig ako sa flowers kaya gandang-ganda ako sa mga bulaklak na nakita ko.

Tatlong chapel ng Loyola ang kinuha ni June para sa burol ni Kuya Maryo para ma-accommodate ang maraming nakikiramay na patunay na well-loved sa industry ang television and movie director na malaki ang kontribusyon sa local showbiz.

Nang papauwi na ako, nakasalubong ko sa entrance ng Loyola Chapels ang alaga ni Kuya Maryo na si Orlando Sol at isang baguhang aktor na hindi ko matandaan ang name.

Itim na T-shirt ang suot ni Orlando at ng kasama nito. Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang sobrang sadness sa pagpanaw ni Kuya Maryo na talagang nakatutok sa showbiz career nila at mga tunay na anak ang trato sa kanila.

Jawline ni Alfred sumulpot na uli

Bago ako nagpunta sa Loyola Commonwealth, nag-early dinner muna kami ni Alfred sa Mario’s.

Suot ko naman ang salamin ko sa mata pero hindi ko agad nakilala si Alfred dahil malaki ang ipinayat niya.

Talagang kinarir ni Alfred ang pagbabawas ng timbang mula nang mag-taping siya para sa Kambal, Karibal ng GMA 7.

Medyo chubby pa si Alfred sa mga unang eksena niya sa primetime teleserye ng GMA 7 na humahataw sa ratings pero ngayon, physically fit na uli siya dahil sa diet na kanyang sinusunod at regular na pagpunta sa gym.

Effective ang diet ni Alfred dahil malaki nga ang nabawas sa timbang niya at lumabas na uli ang kanyang jawline na matagal na nagtago.

Lalong ginanahan si Alfred na magpaganda ng katawan at magtrabaho dahil marami ang pumapansin sa malaking improvement ng kanyang physical appearance at siyempre, sa tumataas na rating ng Kambal, Karibal.

Boyet Kapamilya sa umaga, Kapuso sa gabi!

Dalawang beses na napapanood sa TV sa isang araw si Christopher de Leon dahil starring siya sa Sana Dalawa Ang Puso ng ABS-CBN at sa Kambal, Karibal ng GMA 7.

Walang conflict sa mga nasabing programa dahil pang-umaga ang Sana Dalawa Ang Puso at pang-gabi naman ang Kambal, Karibal.

Magkaiba rin ang role at itsura ni Boyet. May balbas at bigote siya sa Sana Dalawa Ang Puso at walang balbas sa Kambal, Karibal.

Marunong si Boyet na mag-reinvent ng sarili para sa bawat karakter na ginagampanan niya sa mga teleserye at pelikula.

Kita n’yo naman, senior citizen na si Boyet pero bagets na bagets pa rin ang hitsura niya at never natin nakita na lumaki ang kanyang tiyan.

Dapat tularan si Boyet ng mga aktor na hindi marunong mag-alaga ng katawan at losyang na losyang na ang mga hitsura dahil may mga bisyo at walang pagmamahal sa kanilang propesyon bilang artista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with