^

Probinsiya

7 tiklo sa Baguio City buy-bust

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Pitong katao ang timbog matapos ang buy-bust operation ng National Bureau of Investigation-Cordillera (NBI-CAR) sa isang auto-repair shop na umano’y ginagawang front sa bentahan ng shabu sa Barangay Trancoville, Baguio City, nitong Martes ng gabi.

Inirekomenda ng NBI-CAR ang pagsasampa ng kaso laban sa mag-asawang Phillip Bawiyan Sog-ed, alyas “Sog-ed,” at Marites, alyas “Beng,” dahil sa umano’y pagbebenta at pag-iingat ng shabu. Nahaharap naman sa kasong ilegal na paggamit ng droga ang lima nilang em­pleyado na sina Reynaldo Gumayagay Tangcalo, Ralph Magalong Deperalta, Jeffrey Ambrosio Macachar, Louvene Ramirez Clemente, at June Quintin Angadol.

Ayon sa NBI-CAR, unang nagsagawa ng test-buy ang kanilang impormante noong Oktubre 3 kung saan bumili ito ng dalawang sachet ng shabu sa talyer sa halagang P6,000. Kinumpirma naman sa laboratory examination na methamphetamine hydrochloride o shabu ang nabiling droga.

Muling bumalik ang impormante noong Martes ng hapon para sa panibagong transaksiyon ngunit pansamantalang naudlot nang umano’y maghinala ang mag-asawa sa mga sasakyan at motorsiklong nakaparada malapit sa shop.

Natuloy ang operas­yon ng NBI-CAR kasama ang PDEA nang gabi matapos ibaba sa dalawang gramo mula pitong gramo ang napagkasunduang bibilhing shabu.

Nang iabot umano ni Marites Sog-ed ang sachet sa impormante, ibinigay nito ang hudyat sa mga operatiba ng NBI-CAR na agad sumugod at arestuhin ang mga suspek. Nakumpiska ang kabuuang 9.1 gramo ng shabu, isang improvised glass tooter at isang kalibre .38 na revolver na nakita sa vault ng shop.

Nagpositibo rin umano sa methamphetamine ang mag-asawa at lima nilang mekaniko sa urine test.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with