Pagbubuntis ni Ria, gwardyado ng doktor!

Magiging kuya na ang two-year old son ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde-Marudo na si Sabino (who just turned two nung nakaraang Sept. 23, 2026).
Under careful medical supervision ng kanyang OB-Gyne ang muling pagbubuntis ni Ria dahil sa pagkakaroon niya ng polycystic ovary syndrome (PCOS) and thyroid concerns.
Parehong masaya sina Zanjoe at Ria ganundin ang mga magulang ni Ria, mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez.
Sa unang quarter ng 2027 daw nakatakdang isilang ni Ria ang kanilang second baby ng actor.
Ang mag-asawang Zanjoe at Ria ay ikinasal nung March 23, 2024 sa pamamagitan ng civil wedding rites in Quezon City officiated by the mayor of QC na si Mayor Joy Belmonte and six months later ay isinilang naman ang kanilang first baby na si Sabino na hanggang ngayon ay ayaw pa rin ipikita ng mag-asawa ang mukha kahit two years old na ito.
Magmula nang ipagbuntis at isinilang ni Ria si Sabino ay hindi pa ito nakakabalik sa kanyang showbiz career dahil sa pagiging hands-on mom.
Onemig at Aiko, sa sementeryo na-engage!
Alam mo, Salve A., kakaiba ang naging proposal ng actor-businessman na si Onemig Bondoc sa kanyang fiancée na ngayon, ang actress-politician na si Aiko Melendez dahil ginawa niya ito sa harap ng puntod ng namayapang ama ng aktres na si Jimi Melendez.
Twenty-nine years din ang binilang ni Onemig bago niya naisakatuparan ang kanyang proposal kay Aiko na noon pa sana dapat nangyari kung hindi sila nagkahiwalay.
After two failed marriages kina Jomari Yllana at Martin Jickain and a long relationship with a politician na si Jay Khonghun, muling pinagtagpo ng tadhana sina Aiko at Onemig na nangyari early this year nang mag-guest si Onemig sa vlog ng actress. Ito ang naging simula ng muling pagkakaroon ng relasyon ng dalawa hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang engagement.
Bago nag-propose si Onemig kay Aiko ay nagpaalam muna ang actor sa mother at mga anak ng aktres na agad namang sumang-ayon.
Si Aiko ay unang ikinasal sa aktor na si Jomari Yllana kung kanino siya may isang anak, ang young actor na si Andre. Muling nag-asawa ang aktres sa non-showbiz na si Martin Jickain at nagkaroon din sila ng isang anak, si Marthena Jickain.
Si Onemig ay unang ikinasal sa French-Filipina model-actress na si Valerie Bariou, kapatid ng karelasyon ngayon ni Nadine Lustre na si Christopher Bariou.
Una silang ikinasal nung 2009 pero nagkahiwalay noong 2014. Meron silang dalawang anak – sina Armel at Anton na parehong ipinaglaban ng actor ang kustodiya ng mga bata.
Since pare-pareho nang malalaki ang kanilang mga anak, naging very supportive ang mga ito sa relasyon ng dalawa.
- Latest


























