^

Probinsiya

‘Killer’ ng ex-kagawad sa Bataan arestado

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

HERMOSA, Bataan, Philippines —  Arestado na ang pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay kay dating Barangay Culis Kagawad Norman Dalit ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni Bataan PNP Director Police Col. Mari­tes Salvadora ang suspek na si Alvin Vitangcol y Ararao, 46-anyos, na naaresto bandang 11:40 ng gabi noong Hunyo 26 sa Purok 3, Barangay San Juan, City of San Fernando, Pampanga.

Ayon sa pulisya, nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pinagsanib na puwersa ng Bataan Provincial Intelliegnece Unit (PIU), Hermosa MPS, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bataan, San Fernando City Police, San Ildefonso Police, at Pampanga SWAT.

Narekober mula sa kanya ang isang U.S. Carbine Caliber .30 na may magazine na kargado ng apat na bala, gayundin ang puting Toyota Tamaraw na umano’y ginamit sa pagtakas matapos ang krimen.

Dinala ang suspek, kasama ang mga nakuhang ebidensya sa Hermosa Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Inihahanda na rin ng pulisya ang pagsasampa ng kasong murder laban kay Vitangcol habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Pansamantala munang hindi ibinunyag ng pulisya ang motibo ng suspek.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with