^

Probinsiya

Bagitong pulis timbog sa droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

 

NAGA CITY, Albay , Philippines — Hindi nakaligtas sa kamay ng batas ang isang bagitong pulis na tulak ng droga matapos arestuhin mismo ng kanyang mga kabaro sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Cararayan, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng tanghali.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si alyas “Patrolman Ambo”, 32-anyos, residente ng Palmera Homes ng naturang barangay at kasapi ng Naga City Police Mobile Force Company.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali ay inilatag ang buy-bust operation laban sa bagitong pulis ng mga tauhan ng Sub- Station 6 ng Naga City Police Office.

Hindi na nakapalag si Pat. Ambo matapos arestuhin ng mga nakakubling kabaro makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nabawi mula sa suspek ang 14-plastic sachet na may lamang shabu.

DANGEROUS DRUGS ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with