Senior citizen dedo sa sunog
MANILA, Philippines — Halos sunog ang buong katawan nang makuha ng mga bumbero at pulis ang isang 61-anyos na lalaki na si Vidal Esplana na hindi nakalabas sa nasusunog niyang bahay sa Brgy. Abuyog, Sorsogon City, Sorsogon, kamakalawa ng umaga.
Sa ulat, pasado alas-7:00 ng umaga nagulantang ang mga residente na naglalagablab na ang bahay ni Esplana na pinaniniwalaang nagsimula sa kusina at mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan na gawa lamang sa kahoy, kawayan at pawid.
Ayon sa mga kapitbahay, huling nakita nila ang biktima na nag-iihaw ng karne ng baboy at pinaniniwalaang hindi nito napansin na nag-apoy na ang tumutulong mantika mula sa karne dahilan para masunog ang kusina at mabilis na kumalat sa buong kabahayan.
- Latest


















