Gen. Lucas, balik RD sa CALABARZON

CAMP BGEN VICENTE P LIM, Philippines — Muling itinalaga si PBrig. Gen. Paul Kenneth T. Lucas bilang regional director ng Police Regional Office-IVA sa CALABARZON, kamakalawa ng umaga.
Isinagawa ang maiksing turnover of command ceremony kahapon ng umaga sa PRO4A covered court, dakong alas-9 ng umaga.
Ang programa ay pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration, PLt. Gen. Bernard Banac, kung saan isinalin ng kasalukuyang Regional Director na si PBGen Jack L. Wanky ang responsibilad patungo sa nagbabalik na Regional Director na si PBGen Paul Kenneth T Lucas.
Sa kanyang mensahe, taos-pusong pinasalamatan ni RD Lucas ang mga nagawa ng mga nauna sa puwesto at binigyang-diin nito ang pamana ng mga dating lider ng PRO-CALABARZON na nagpalakas at nagpaunlad sa rehiyon.
Nagpasalamat naman ang outgoing Regional Director na si PBGen Wanky sa pagkakataon na makasama ang mga pulis ng PRO 4A.
Binigyang pugay ni Deputy Chief PNP for Administration PLt. Gen Banac ang dalawang lider at pinuri ang legasiya ng serbisyo, kahusayan, at propesyonalismo na iniwan ni PBGen Wanky na nagdala sa PRO4A sa mga makabuluhang tagumpay sa loob ng maikling panahon.
- Latest
















