^

Probinsiya

18 DI terrorists, 2 NPA sumuko sa Central Mindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nasa 18 terorista ng grupong Dawlah Islamiyah kabilang ang kanilang lider, at dalawa pang gerilya ng New Peoples’ Army (NPA) ang sumuko sa militar at local government officials sa magkahiwalay na lalawigan sa Central Mindanao.

Sa ulat, sumuko ang 18 terorista bitbit ang kanilang malalakas na armas at eksplosibo kina Lt. Col. Christian Cabading, commanding officer ng 92nd Infantry Battalion, at kanyang immediate superior na si Brig. Gen. Vladimir Cagara ng 1st Brigade Combat Team, sa isinagawang surrender rites nitong Setyembre 2 sa 92nd IB’s headquarters sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, ­Maguindanao del Sur.

Sinabi ni Major Gen. Donald Gumiran, commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID) kahapon na nanga­ko ang 18 terorista sa militar at mga local executives na kanilang wawakasan na ang paghahasik ng terorismo sa mga lugar sa Cabading, Cagara sa Datu Saudi Ampatuan at kalapit na mga bayan.

Nabatid na lima sa 18 ekstremista Dawlah na sumuko ay mga eksperto sa paggawa ng mga eksplosibo sa pamamagitan ng paggamit ng ammonium nitrate, o potassium chlorate bilang pangunahing blasting charges na may electronic blasting contraptions at maaaring mapasabog ng ilang distansya gamit ang mobile phones.

Samantala, dalawang miyembro ng NPA ang sumuko nitong Lunes kina Lt. Col. Erikzen Dacoco, commanding officer of the 105th Infantry Brigade at Mayor George Falgui ng Kiamba sa Sarangani na nasa hurisdiksyon ng 6-ID.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with