^

Probinsiya

Pumatay sa Meralco employee sa Cavite road rage, sumuko

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pumatay sa Meralco employee sa Cavite road rage, sumuko
Iniharap sa media sa DILG office nina Interior Secretary Jonvic Remulla, PNP chief PLt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., Governor Abeng Remulla at Imus Mayor Alex Advincula ang suspek sa pagpatay sa Meralco employee sa naganap na road rage sa Dasmariñas City, kahapon.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Matapos ang ilang araw na pagtatago, kusang loob na sumuko kay Imus City Mayor Alex Advincula ang suspek sa naganap na road rage sa Dasmariñas City, Cavite na sanhi ng pagkamatay ng Meralco employee, kahapon ng umaga.

Iprinsinta nina DILG Secretary Jonvic Remulla, PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., Governor Abeng Remulla at Imus Mayor Alex Advincula ang suspek sa isang press conference sa DILG Office, Quezon City.

Sa panayam kay ­Mayor Advincula, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang kaibigan na taga-Imus City na kamag-anak ng suspek sa road rage na gusto umano nitong sumuko. 

Agad na nakipag-coordinate si Advincula kay DILG Secretary Jonvic Remulla at sinamahan ang suspek kasama si Dasmariñas City Police chief Lt. Col Regino Oñate.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jeff”, 44-anyos, residente ng Dasmariñas City. 

Matatandaan na pinagbabaril ng suspek ang biktimang si alyas “Mayo”, 54-anyos habang sakay ng Meralco vehicle at nakatigil bunsod ng traffic lights nitong Agosto 28 sa kahabaan ng Salitran, Dasmarinas City. Tinapatan si Mayo ng suspek na sakay naman ng pulang Toyota Corolla na may plakang TPJ 294 at agad pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, nagkagirian na umano ang suspek at biktima bago pa dumating sa traffic lights sa Salitran na sanhi ng krimen.

Sa tulong ng mga CCTV footage at ilang witness, gayundin ng LTO, nakilala ang suspek at makalipas ang may ilang araw ay sumuko sa awtoridad.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with