^

Probinsiya

Vape shop niransak ng ‘Bolt Cutter Gang’

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Vape shop niransak ng ‘Bolt Cutter Gang’
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:20 ng umaga nang madiskubre ni alyas “Kath”, 35-anyos, sales associate ng One Vape na niransak na ang kanilang shop sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City sa pamamagitan ng kanilang CCTV nang kanyang suriin.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Umatake dito sa lalawigan ang kilabot na “Bolt Cutter Gang” at kanilang pinasok ang isang vape shop na natangayan ng mahigit sa P200,000 na halaga ng mga vapes at pera sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City, kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:20 ng umaga nang madiskubre ni alyas “Kath”, 35-anyos, sales associate ng One Vape na niransak na ang kanilang shop sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City sa pamamagitan ng kanilang CCTV nang kanyang suriin.

Napansin umano nito na ang interior sa loob ng shop ay nabago ng lugar at ang mga vapes na display ay wala sa mga lalagyan nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya a, pinutol ng mga suspek ang padlock ng roll up ng shop sa pamamagitan ng Bolt Cutter.

Nilimas ng mga suspek ang mga vapes at tina­ngay ang cash money na umaabot lahat sa kabuuang halaga na P237,770 bago tumakas sakay ng isang itim na motorcycle.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang dalawang suspek na nanloob sa nasabing vape shop.

TAGAYTAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with