^

Probinsiya

Guro, 2 pa utas sa banggaan ng motor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang guro ang nasawi makaraang aksidenteng magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa highway ng Brgy. Malabuhan, Siaton, Negros Oriental noong Linggo ng gabi. 

Kinilala lang mga nasawi sa mga panga­lang Rolly, 36-anyos, isang guro; James, 26, magsasaka, at backrider na si “Aquino”; pawang ng Brgy. Casalaan, Siaton. 

Sa report ng Negros Oriental Police, nangyari ang malagim na aksidente sa bahagi ng nasabing highway noong gabi ng Linggo. 

Ayon sa imbestigas­yon, tinangka ni James na mag-overtake sa isang behikulo bunsod upang mapunta siya sa kabilang linya ng kalsada. Nagkataon namang paparating na ang isa pang motorsiklo na minamaneho ng guro na nagresulta sa banggaan ng dalawang motorsiklo. 

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa motorsiklo ang tatlo na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Bagama’t nagawa pang maisugod sila sa pagamutan, pawang idineklara ng dead-on-arrival ang tatlo.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with