Barangay official, 2 pa timbog sa buy-bust

COTABATO CITY , Philippines — Dalawang magkatuwang sa pamamalakad ng drug den at isa nilang kasabwat na incumbent barangay official ang na-entrap ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-11 sa GSIS Heights sa Matina, Davao City nitong Sabado ng hapon.
Sa ulat ng mga local officials sa Davao City, nakunan sa operasyon ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-11 ang tatlong lalaking suspek ng 19 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P129,200.
Ayon sa mga PDEA-11 regional officials na naka-base sa Davao City, naka-detine na ang dalawang drug den maintainer at kanilang kasabwat na isang opisyal ng isang barangay sa bayan ng Sta. Cruz sa Davao del Sur na kasama nilang nalambat sa kanilang hideout sa GSIS Heights, isang residential area sa Matina. Sila ay agad na inaresto ng PDEA-11 agents na kanilang na bentahan ng 9 na sachet ng shabu, nagkakahalaga ng P129,000, sa buy-bust operation na naisagawa sa tulong ng mga operatiba ng Talomo Police Station 3 ng Davao City Police Office.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong lalaking naaresto sa buy-bust.
- Latest















