^

Probinsiya

Mag-asawang senior kinatay sa bahay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang senior kinatay sa bahay!
Kinilala ang mga biktima na sina Conrado Alejan, 66-anyos at misis nitong si Catherina Alejan, tinatayang mahigit 60-anyos din; pawang residente sa nasabing lugar.
STAR/File

Mister pinutulan pa ng ari

MANILA, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng mag-asawang senior citizen matapos silang pagtatagain ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanilang tahanan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Kaatuan, Lantapan, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Conrado Alejan, 66-anyos at misis nitong si Catherina Alejan, tinatayang mahigit 60-anyos din; pawang residente sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Bukidnon Police, ang bangkay ng mag-asawa ay nadiskubre nitong Agosto 5 na pawang tadtad ng taga sa katawan na siyang agarang kumitil sa kanilang buhay.

Pinaniniwalaan naman na ang krimen ay isinagawa ng salarin sa pagitan ng Agosto 4 ng gabi hanggang madaling araw ng Agosto 5.

Ayon sa mga imbestigador, kapwa nagtamo ng malalalim na taga sa katawan ang mag-asawa partikular na ang matandang lalaki na pinutulan pa ng ari.

Sa teorya ng pulisya, may matinding galit ang nasa likod ng krimen dahilan posibleng patay na ay tinadtad pa ng taga ang mag-asawa.

SENIOR CITIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with