^

Probinsiya

Lalaking nag-amok, todas sa pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki na nag-amok na nanghabol ng itak ang nasawi matapos na mabaril ng rumes­pondeng puliis nitong Lunes sa Pavia, Iloilo City.

Dead-on-arrival sa ospital ang suspek na naki­lalang si alyas “JR”, 33.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na napilitan ang isang pulis na paputukan ang suspek bilang pagtatanggol sa sarili.

Nabatid na tumawag sa 911 emergency hotline ang pamilya ng suspek upang humingi ng tulong matapos umano itong magbanta sa kaaway nitong kanyang kapatid na babae.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis at sinubukang pakalmahin ang suspek, ngunit na­ging agresibo ito at patuloy na nagbanta habang may hawak na patalim.

Makikita sa kuha sa CCTV footage na habang papalapit ang pulis para pakalmahin ang suspek at hinabol ito dahilan para mabaril ito ng pulis sa dibdib ng naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Bunsod ng insidente, pinag-aaralan na nga­yon ng PNP kung dapat bang magkaroon ang mga pulis ng non-lethal weapons tulad ng baton o pepper spray upang mas maayos na matugunan ang ganitong klase ng sitwasyon.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with