^

Probinsiya

‘Wanted’ dedo sa engkuwentro, pulis sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines —  Patay ang isang “wanted person” sa kasong murder habang sugatan ang isang pulis na kasama sa grupong maghahain sana sa kanya ng warrant of arrest sa isang law-enforcement operation sa Barangay Malungun sa Taraka, Lanao del Sur nitong Huwebes.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkasawi sa natu­rang insidente ng wanted­ na lalaking aarestuhin sana ng mapayapa ng mga operatiba ng Taraka Municipal Police Station at ng Lanao del Sur Provincial Police Office.

Ayon kay De Guzman, isang pulis na nagtamo ng mga tama ng bala sa dalawang braso at mga kamay nito sanhi ng naturang engkuwentro, ang ginagamot na sa isang hospital.

Sa ulat ng mga local executives sa Taraka at ng mga opisyal ng pulisya sa probinsya, naglabas ng baril ang suspect na may alyas na “Farhan” at pinagbabaril ang mga pulis na dumating sa kanyang pinagtataguan upang siya ay hainan sana ng warrant of arrest.

Ang nasawing suspect ay may kinakaharap na kasong murder sa isang korte sa Marawi City, ang kabisera ng Lanao del Sur na isa sa limang probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

JAYSEN DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with