^

Probinsiya

P20 milyong shabu nasabat sa 2 bebot

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P20-milyong halaga ng hinihina­lang shabu ang nasabat mula sa dalawang babae sa buy-bust operation sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City noong Miyerkules ng gabi.

Ang dalawang babae na kapwa nakatira sa isang barangay ay naaresto ng Police Station 4, Drug Enforcement Unit, at Intelligence Unit.

Batay sa report, ang  dalawang suspek ay nakalista bilang mga high value individual.

Sa kanilang mga transaksiyon, agad na isinilailalim sa surveillance ang mga suspek.

Bunsod nito, nagbabala si Police Col. Ali Baron, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office (LLCPO) sa mga sangkot sa illegal drug trade na ipagpapatuloy ng LLCPO ang walang humpay na kampanya kontra ilegal na droga. Aniya, tukoy nila ang mga sangkot sa illegal drugs subalit kailangan na beripikahin upang maiwasan ang anumang mga legal issues.

vuukle comment

ALI BARON

LLCPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with