^

Probinsiya

4 ‘shabu dealer’ todas sa shootout!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 �shabu dealer� todas sa shootout!
Sa ulat nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-BangsamoroAutonomous Region, naisa­gawa ang operasyon nang mag-ulat ang ilang residente ng Luuk Pandan sa Bongao Municipal Police Station (MPS) hinggil sa presensya sa kanilang lugar ng mga armadong kalalakihan na kahina-hinala ang mga personalidad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang apat na hinihinalang drug dealer nang maaktuhan umanong nagbebenta ng P476,000 na halaga ng shabu sa kanilang mga kustomer at pinaputukan ang mga pulis sa ikinasang operasyon sa Barangay Luuk Pandan sa  Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa.

Sa ulat nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-BangsamoroAutonomous Region, naisa­gawa ang operasyon nang mag-ulat ang ilang residente ng Luuk Pandan sa Bongao Municipal Police Station (MPS) hinggil sa presensya sa kanilang lugar ng mga armadong kalalakihan na kahina-hinala ang mga personalidad.

Agad na rumesponde ang mga kasapi ng Bongao Police Station at kanilang inabutan ang apat na lalaki ng shabu habang iniaabot umano ang droga sa kanilang customer. Nang sila ay sinita, bigla umanong bumunot ang isa sa mga suspek ng baril at nagpaputok na nagbunsod ng engkuwentro.

Bumulagta ang apat na suspek na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan habang nagsipulasan ang kanilang customer.

Magkatuwang nang inaalam ng mga Bongao MPS at Tawi-Tawi Provincial Police Office kung sino ang mga nakatakas na bibili sana sa apat na napaslang na suspek ng 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000, na nasamsam ng mga pulis.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with