^

Probinsiya

2 patay, 5 sugatan sa salpukan ng kotse, motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 5 sugatan sa salpukan ng kotse, motor
Dead-on-arrival ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Johnley Pagala Calad, 34-anyos, residente ng ACM Woodstock, Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas nitong babae na si Melisa Gorpido Ornopia, 25-anyos, residente rin ng nasabing lugar.
STAR/ File

CAVITE Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay habang limang katao pa ang sugatan nang magsalpukan ang isang motorsiklo at kotse habang kapwa bumabagtas sa kahabaan ng CM Delos Reyes Avenue sa Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, kamakalawa.

Dead-on-arrival ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Johnley Pagala Calad, 34-anyos, residente ng ACM Woodstock, Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas nitong babae na si Melisa Gorpido Ornopia, 25-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Patay rin ang isang sakay ng kotseng naka­salpukan ng motor na si Jeffrey Muraoda Mendez, 23-anyos, residente ng Brgy. Maymanga, Amadeo, Cavite habang inooserbahan sa pagamutan ang apat pang kasamahan nito na kinilalang sina Ross Ivan Egos Majaba, 25-anyos; Loraine Leabam, 22 anyos; France Mabao Haban, 24-anyos, at kanilang driver na si Joshua Marinduque Iyaya, 25; pawang residente ng Amadeo, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente habang minamaneho ni Iyaya ang Toyota Corolla (UNS 327) at bumabagtas sa Brgy. Manggahan patungo ng Amadeo Cavite, sakay ang iba pang mg biktima.

May kabilisan umano ang takbo ng kotse at hindi na naiwasan ang kasalubong na Yamaha Sniper 150 na may plakang 040105 na minamaneho ni Calad kaya tuluyang nasalpok.

Sa tindi ng salpukan, tumilapon ang magkaangkas sa motorsiklo na siyang sanhi ng mga pinsalang inabot sa kanilang katawan ng mga biktima at ma­ging ang mga sakay ng kotse.

Itinakbo sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktima, subalit kapwa hindi na naisalba pa ang driver ng motorsiklo at isa sa mga sakay ng kotse.

vuukle comment

BICLATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with