^

Probinsiya

Hot air balloon festival sa Albay, asahang dadagsain ng 70K turista

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Inaasahang hindi bababa sa 70-libong dayuhan at lokal na turista ang dadagsa sa lalawigan sa pagsahimpapawid ng hot air balloon, malalaking konsyerto at mga airplane exhibitions ngayong darating na unang linggo ng buwan ng Mayo.

Ayon kay Department of Tourism-Bicol regional director Herbie Aguas, susubukan nilang makuha ang naturang bilang ng tourist arrival lalo na’t ito ang pinakaunang pagkakataong makita sa himpapawid ng lalawigan at ilang bahagi ng rehiyon ang maraming hot air balloon sa darating na Mayo 3 at 4 sa itinakdang “Bicol Loco Festival” na sasabayan ng konsyerto nina Sarah Geronimo at Bamboo. 

Sinabi ni Aguas na sa pamamagitan ni Ako Bicol Cong. Elizaldy Co, chairman ng House committee on budget and appropriations sa Kamara na 100 milyong piso ang di-nownload sa kanilang opisina para sa naturang pinakamalaking aktibidad sa turismo ng Kabikulan.

Maliban sa hot air ba­lloon at konsyerto, may mga air shows din ng mga eroplano, sky diving at drone exhibitions kaya siguradong marami ang mamamangha. Planong paliparin ang balloon malapit sa bulkang Mayon at ilang tanyag na tourist destinations ng Kabikulan.

Sinabi naman ni 2nd District Cong. Joey Salceda, isa sa tumutulong para maging matagumpay ang Bicol Loco Festival, na libre umano ang entrance sa konsyerto na gaga­napin sa dating tarmac ng Legazpi City Domestic Airport sa unang 25-libong darating para manood. 

Malaki ang paniniwala ni Aguas na dahil sa malalaking aktibidad ay mas lalong lolobo ang industriya ng turismo sa rehiyon na mag-aangat sa ekonomiya hindi lang sa Albay kundi ng buong rehiyon.

vuukle comment

FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with