^

Probinsiya

No. 2 most wanted sa Calabarzon timbog sa kidnapping

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
No. 2 most wanted sa Calabarzon timbog sa kidnapping
Kinilala ni Laguna Provincial Police Office acting director P/Col. Gauvin Mel Unos ang akusado na si alyas “Michael” residente ng San Pedro City, Laguna.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang nakatalang number 2 most wanted criminal sa Calabarzon sa kasong kidnapping sa isinagawang manhunt operation sa San Pedro City, Laguna nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office acting director P/Col. Gauvin Mel Unos ang akusado na si alyas “Michael” residente ng San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Tyrone DG Valenzona, hepe ng San Pedro Component City Police Station, nagsagawa ng manhunt operation ang warrant personnel ng kanilang tanggapan laban sa akusado  sa Brgy. San Vicente, San Pedro City, Laguna bandang alas-8 ng gabi.

Ikinasa ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 170, San Pedro City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas “Michael” na nahaharap sa kasong kidnapping na walang inirekomendang piyansa ang korte.

Nasa kustodiya ng San Pedro City Police Station ang nasakoteng wanted.

vuukle comment

NAARESTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with