^

Probinsiya

P170 milyong palayan napinsala ng ‘El Niño’ sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P170 milyong palayan napinsala ng �El Niño� sa Kabikulan
Officials inspect a dried up field in Bulalacao, Oriental Mindoro on February 27, 2024, following the local government's declaration of a state of calamity due to the severe damage of El Niño on the town's farmlands.
Edd Gumban / The Philippine STAR

 LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Umabot na sa 170,990,383.63 piso ang inisyal na pinsala sa palay sa ilang lalawigan sa Kabikulan dahil sa nararanasang El Niño phenomenon matapos maapektuhan ang libu-libong ektarya ng palayan dahil sa tagtuyot.

Ayon kay Lovella Guarin, tagapagsalita ng Department of Agriculture Regional Office 5, patuloy pa ang pangangalap nila ng damaged report kaugnay ng tagtuyot sa buong rehiyon gaya sa Camarines Sur.

Sa datus na hawak ng DA-5, mahigit 8-metriko tonelada na ang production loss sa taniman ng palay sa Masbate at Albay pa lamang habang patuloy pang hinihintay ang datus sa iba pang lalawigan.

Sa lalawigan umano ng Masbate, ay 7,579.7 ang rice production loss na tinatayang may kabuuang halagang 140,600,659 piso ang nalugi.

Ang pinsala ay nagmula sa mga bayan ng Placer, Dimasalang, San Pascual, Milagros, Cawayan at Esperanza.

Sa Albay naman ay umabot na rin sa 420.84 metric tons ang production loss o halagang 30,389,724 pisong danyos na mula sa mga ba­yan ng Libon at Pio Duran.

Noong Miyerkules, sa pamamagitan ng resolusyong isinulong ni konsehal Gina Peralta Elorde, chairperson ng committee on agriculture ng sangguniang bayan ay isinailalim na sa “state of calamity” ang bayan ng Pio Duran dahil sa halos 80 porsyento ng kanilang palayan o 1,232 ektarya ang napinsala ng tagtuyot. 

Sa kabila ng nararanasang tagtuyot ay masayang ibinalita ni Guarin na pang-lima ang Bicol sa 16-rehiyon sa buong bansa na may pinakamalaking projected harvest simula ngayong buwan ng Marso hanggang Mayo.

Ang Kabikulan ang itinuturing ngayon ng Department of Agriculture na top 5 rice producing region sa bansa. Halos nasa 160,000 ektarya ng lupain ang nataniman ng palay sa buong rehiyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with