^

Probinsiya

NPA na may P4 milyong patong sa ulo, 3 pa nasukol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

POLANGUI, Albay, Philippines — Hindi na nakapalag ang commanding officer ng Bicol Regional Party Committee ng New People’s Army (NPA) na itinuturing na “most wanted person” ng rehiyon na may patong na P4 milyon sa ulo at tatlong kasama matapos na maaresto makaraang takasan ang inilatag na police checkpoint sa motorists assistance center sa Brgy. Matacon, bayang ito, kamakalawa ng mada­ling araw.

Nakakulong na sa custodial facility ng Polangui Municipal Police Station si Reynaldo Tugado Hugo, may mga alyas na “Ka Evan, Yulo, Bermas, Aster, Julian, Pitoy, Alex, Bitoy”, 61-anyos, BRPC Execom member ng Communist Party of the Philippines-National Ope­rational Command, residente ng Brgy. San Juan, Bato, Cama­rines Sur at may mone­tary reward na P1 milyon para sa kanyang ikahuhuli, ayon sa DND-DILG order of reward No.17-2019.

Kalaboso rin sina Bryan Naje Llovit, 42-anyos; Jeane Pastrana Recuenco, 42-anyos; kapwa residente ng Purok-2, Brgy.Travesia, Guin­obatan, Albay; at Vanessa Nocomora Avila, 25-anyos, kasapi ng Execom BRPC, at residente ng Brgy. Hubo, Pasacao, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-12:53 ng madaling araw sakay ng Toyota Avanza (VFK-563) ang apat patu­ngo sa direksyon ng Camarines Sur nang parahin sa checkpoint na inilatag ng mga kasapi ng Criminal Investigation Detection Group- Albay Field Unit bilang lead unit, kasama ang mga tauhan ng Polangui Municipal Police Stations, 1st Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 5, Military Intelligence Group, at mga sundalo mula sa 49th Infantry Battalion, 9th Infantry Division ng Philippine Army.

Gayunman, sa halip na tumigil ay mabilis na humarurot ang sasakyan ng mga suspek dahilan para magkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang apat sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Balangibang ng naturang bayan.

Kasamang inaresto ang tatlo pang kasama ng NPA official matapos na makuhanan ang loob ng kanilang sasakyan ng isang M16 armalite rifle, isang kalibre 45 pistola, mga magazine at bala ng naturang mga baril; isang fragmentation grenade; isang rifle grenade; electrical wire; at dalawang magazine ng 7.62 mm assault rifle.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with