^

Probinsiya

Beybi na tinangay nasagip, ‘kidnaper’ na nakitulog timbog

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Beybi na tinangay nasagip, �kidnaper� na nakitulog timbog
Iniskortan ng pulis ang nakaposas na si Aida Gonzales (kanan) matapos maaresto sa Laguna dahil sa umano’y pagdukot sa isang 3-buwang sanggol nang makitulog siya sa bahay ng kanyang kasama sa trabaho sa Olongapo City kamakalawa.
Jojo Perez

OLONGAPO CITY, Philippines – Nasagip na ang 3-buwang sanggol na tinangay ng isang babae na nakitulog lang sa kanilang tahanan sa isinagawang matagumpay na rescue operation ng pulisya sa Brgy. Gordon Heights sa lungsod na ito, kamakalawa ng madaling araw.

Arestado sa operas­yon ng mga operatiba ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang suspek na si Aida Gonzales, istibadora ng Subic Seaport Terminal, matapos ikasa ang manhunt operation sa pinagtataguan nito kasama ang sanggol sa lalawigan ng Laguna.

Naging malaking tulong ang ginawang kooperasyon ng stepdaughter ng suspek na siyang nagsumbong sa mga kinuukulan sa kinaroroonan nito matapos mag-viral sa social media ang ginawang pagtangay sa sanggol.

Ayon sa stepdaughter, buntis si Gonzales na kinakasama ng kanyang ama nang umalis ito sa kanilang lugar at nakipaghiwalay sa kanyang tatay.

Makalipas ang ilang araw, muling nagbalik ang suspek sa bahay ng kanyang kinakasama upang makapagsimula ng panibagong buhay bitbit na ang sanggol na ninakaw nito.

Dahil sa tinanggap na impormasyon, wala nang inaksayang oras ang OCPO at agad na pinuntahan ang bahay ng suspek at nagsagawa ng koordinasyon sa lokal na pulisya. Matagumpay nilang nabawi ang sanggol at naaresto ang babaeng tumangay sa beybi.

Lubos naman ang kasiyahan ng magulang ng sanggol nang kanilang mahawakan muli ang kanilang beybi. Nagpasalamat din sila sa awtoridad at netizens na tumulong upang makita ang kanilang anak makaraang mag-viral ang nangyaring pagtangay ng nasabing suspek sa bata.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with