^

Probinsiya

P72.9 milyon inilaan ng PhilHealth para sa health services ng Quezon province

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
P72.9 milyon inilaan ng PhilHealth para sa health services ng Quezon province
Personal na inabot ni PhilhHealth Region 4-A Vice President Dr. Danilo Reynes kay Quezon Gov. Dra. Helen Tan ang tseke na nagkakahalaga ng higit P72 milyon bilang pondo para sa health services ng nasabing lalawigan.

MANILA, Philippines — Naglaan ng mahigit P72 milyon ang Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Quezon Primary Care Provider Network’s (QPCPN) Konsulta Sandbox matapos itong ilunsad noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Bunsod nito, nau­ngusan na ng lalawigan ng Quezon ang iba pang sandbox sites o pilot areas tulad ng Bataan, Guimaras, South Cotabato, at Baguio City nang matanggap ang pondo na magbibigay sa lalawigan ng kakayahang pagkalooban ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan at makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente nito.

Bilang unang local government unit (LGU) sa bansa na nakapagtatag ng Konsulta Primary Care Provider Network (PCPN), ang Quezon Province ay kaya nang bigyan ng primary care service provider o abot kayang serbisyong pangkalusugan ang mga taga-lalawigan ng ­Quezon sa pamamagitan ng implementasyon ng Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta primary care benefit package na kinabibilangan ng free primary care consultation, health screening and assessment, diagnostic services, at probisyon ng mahahalagang gamot sa kahit na saang Konsulta Package Provider (KPP).

Ang P72,983,582.39 na pondo ay dineposito sa Provincial Special Health Fund na gumagarantiya sa lahat ng mga taga-Quezon ng madali, sapat, mura at de-kalidad na health-care products at serbisyo.

Ayon kay Governor Doktora Helen Tan, ang mga residente ng lalawigan ay makikinabang sa programa na maaari nilang makuha mula sa iba’t ibang health facilities sa buong Quezon.

Pinasalamatan ni Gov. Tan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang PhilHealth, Department of Health pati na ang mga local chief ­executives, municipal health officers, mga pinuno ng ospital ng lalawigan sa pagsuporta sa implementasyon ng nasabing programa.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with